Butas na Alkansya: Hanggang Kailan ka na lang ba Mangungupahan?

Butas na Alkansya: Hanggang Kailan ka na lang ba Mangungupahan?

Kasama sa basic needs ng isang tao ang pagkakaroon ng sariling tahanan. Ang tahanan ay nagsisilbing lugar para tayo ay makapag-pahinga, makapag-relax, makatulog—ito ang lugar na nagbibigay ng sense of security at safety para sa ating lahat.

Hindi ba’t ang sarap ng pakiramdam na pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho ay makakauwi na rin tayo sa ating bahay at makakapagpahinga na? ‘Yung tipong mararamdaman mong nawawala ang bigat ng mga balikat mo?

Pero papaano kung sa tuwing ikaw ay matatapos sa trabaho mo’t susuweldo ay mag-aaalala ka na naman kung hanggang sa pag-uupa ka na lang? 

Sabi nga nila ang pag-uupa ng isang bahay ay parang nag-iipon sa butas na alkansya? Parang feeling mo may naipundar ka, pero wala talaga. 

Butas na alkansya. Ang lungkot niyang pakinggan hindi ba?

butas na alkansya

Butas na Alkansya. Walang pinatutunguhan ang iyong binabayaran buwan buwan.

Walang kasiguruhan ang pag-uupa ng bahay. Bakit?

Alamin ang mga posibleng mangyari at ano ang pros at cons ng isang nangungupahan ng bahay…

Unahin natin ang Pros ng Pag-uupa ng Bahay:

  1. Magbabayad ka lang ng napagkasunduang presyo ng pang-upa mo buwan buwan.
  2. Depende sa kontrata o napagkasunduan, malimit ang iyong landlord ang mag-aayos o mag-memaintain ng inuupahang bahay.
  3. Maaaring mas malapit ang inuupahan mong bahay sa opisina mo at dahil dito, pwedeng mas maliit o wala kang pamasaheng kinakailangan para itabi sa buwanang personal budget mo.
  4. Puwedeng convenient ang location na inuupahan mo. Maaaring ilang minuto lang ang layo ng mga eskuwelahan, ospital, palengke, at ospital mula sa inuupahan mo.

Alamin naman natin kung ano ang Cons ng Pag-uupa ng Bahay:

  1. Nagbabayad ka ng renta buwan buwan o taon taon, pero hindi naman mapapasaiyo ang bahay na tinutuluyan mo.
  2. Malaki ang nilalaan mo sa budget mo para sa buwanang renta. Hindi pa dito kasama ang iyong budget para sa tubig, ilaw, internet, pagkain, emergency funds, pang-school ni Junior, atbp. sa mga tinatabi mo.
  3. Hindi mo alam kung hanggang kailan ka tatagal sa bahay na inuupahan mo. Maaari kasing kapag pinaayos ito ng landlord mo ay kinakailangan niyong maghanap ng pansamantalang malilipatan, o kapag ibinenta ang bahay ng landlord mo ay paaalisin ka rin ng bagong may-ari nito.
  4. Kapag may gusto kang baguhin sa bahay, hindi ka basta bastang makakagawa nito. Kailangan mo pa itong ipagpaaalam sa landlord mo. Hindi ka puwedeng magpako, magdikit o magdadagdag ng kung ano sa dingding o bahay na walang pagsang-ayon ng landlord mo.

Siguradong mas marami pang Pros at Cons para sa mga nangungupahan ng bahay. Ang post na ito ay nagsisilbing gabay sa ating lahat para tanungin natin ang ating mga sarili: Kuntento na ba ako sa Pag-uupa ng bahay? Okay lang ba sa akin na maghulog sa Butas na Alkansya? 

butas na alkansya

Para sa mga nais ng magkaroon ng sariling bahay at lupa…para sa mga sawa ng mangupahan, ang Rent to Own Cavite ay may mga Models na pasok sa iyong budget!

I-Click ang mga picture sa ibaba para sa karagdagang impormasyon:

I-like niyo rin ang aming Facebook Page para sa karagdagang updates o maaaring bisitahin ang Rent to Own Promos page.